Katanungan
ano ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang songhai?
Sagot
Ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Songhai ay kakulangan ng makabagong armas. Ang Kabihasnang Songhai ay umusbong sa bansang Africa partikular na sa kanlurang bahagi nito.
Ito ang itinuturing na Islamic empire na itinalaga sa kasaysayan bilang imperyong pinakamalaki maging ang pinakamakapangyarihan.
Ang kinilalang pinuno nito ay si Sunni Ali na namuno sa loob ng may tinatayang 30 taon. Ang mga yari ng kanilang bahay tirahan ay gawa o yari sa luwad na binubungan gamit ang klase ng damo.
Subalit dahil sa kakulangan sa mga armas o gamit pandigma na makabago, bumagsak ang kabihasnan matapos salakayin ng mga pangkat ng Moroccan.