Ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang Maya?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang maya?

Sagot verified answer sagot

Sa mahigit dalawampung estado na nasasakupan ng kabihasnang Maya ay may mga sumulpot na digmaan sa mga pagitan nito.

Ang mga digmaan na ito ay bunga ng mga hindi pagkakaintindihan at iba pa. Dahil sa mga naganap na labanan sa pagitan ng mga lungsod estado ay bumagsak ang kabihasnang Maya.

Isa ang kabihasnang Maya sa mga sinaunang sibilisasyon na umusbong sa Mesoamerika. Sila ay kilala sa pagtatanim at larangan ng agrikultura.

Ang kanilang nasasakupan na 24 estado ay ang nagbigay sa kabihasnan ng malawak na lupain upang makapagsaka. Ngunit ang bawat isang estado ay nag away-away kalaunan sa iba’t-ibang dahilan, partikular na tungkol sa lupain.