Ano ang dahilan ng pagkakaiba iba ng tao sa mundo?

Katanungan Sagot

4

Katanungan

ano ang dahilan ng pagkakaiba iba ng tao sa mundo?

Sagot verified answer sagot

Mayroong mahigit 100 na bansa sa buong mundo. Dito pa lamang ay mayroon na talagang pagkakaiba ang mga tao dahil ang bawat isang bansa ay may kanya-kanyang kultura, tradisyon, relihiyon, pananaw, at marami pang iba.

Ang pagkakaiba-iba ng bawat tao ay hindi lamang nakikita sa mga kinaugalian ngunit makikita rin sa panlabas na anyo. Kaya naman kabilang rin ang lugar at klima sa mga dahilan ng pagkakaiba ng tao.

Ang mga nakatira sa mas malamig na bansa ay kadalasang mas mapuputi kaysa sa mga nakatira sa mga bansang may mainit na klima.

Pero ating tatandaan na malaking salik rin ang biyolohika at genetika na ating nakukuha sa ating mga magulang.