Ano ang dahilan ng pagtungo ng mga amerikano sa pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang dahilan ng pagtungo ng mga amerikano sa pilipinas?

Sagot verified answer sagot

May tatlong pangunahing layunin ang mga Amerikano kaya nila sinakop ang Pilipinas. Una rito ay ang pagpapalawak ng teritoryo ng Estados Unidos sa Asya.

Dahil tinaguriang “Doormat of Asia” ang Pilipinas, di hamak na ito ay istratehikong lokasyon upang magtayo sila ng base military para na rin mapalakas ang kanilang hukbo.

Ikalawa naman ay ang layuning ekonomiya nila kung saan ay naghahanap sila ng bansang may saganang likas na yaman. Mga likas na yaman na kanilang magagamit bilang hilaw na materyales.

Ikatlo ay gusto rin nilang mapalaganap ang kanilang relihiyong Protestantismo, ngunit ang impluwensiya ng Kristiyanimo mula sa Espanya ay hindi nila mahigitan.