Ano ang dahilan o sanhi ng patuloy na pagbaha sa metro manila?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang dahilan o sanhi ng patuloy na pagbaha sa metro manila?

Sagot verified answer sagot

Ang patuloy na pagbaha sa Metro Manila ay dulot ng sari-saring kadahilanan. Malaking sanhi ang sangkatutak na basurang nakapaligid sa mga lansangan at kalsada ng siyudad.

Walang mga tamang tapunan ang halos makikita sa lansangan kaya naman nagkalat nalang ang mga basura na siyang bumabara sa mga kanal, estero, at agusan ng tubig.

Isa pang malubhang sanhi ng pagbaha sa Metro Manila ay ang kakulangan ng mga halaman, partikular na ang mga puno.

Ang mga puno ay nakakatulong upang maiwasan ang pagbaha sapagkat ang mga ito ay sumisipsip ng tubig mula sa ilalim ng lupa. Kaya naman laganap pa rin ang pagbaha.