Katanungan
ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?
Sagot
Pangungusap, o sa wikang Ingles ay “sentence”, ay ang lupon ng mga pinagsama-samang mga salita kung saan ito ay nagbibigay ng malaya o kumpletong diwa at impormasyon.
May dalawang bahagi ang isang pangungusap. Ito ay ang simuno at panaguri.
Ang simuno ay ang bahagi ng pangungusap kung saan makikita ang pinag-uusapan. Ang panaguri naman ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa simuno.
Ito ay maaaring kung anong ginagawa ng pinag-uusapan o maaari rin itong naglalarawan sa pinag-uusapan. Halimbawa, sa pangungusap na “Ako ay mahilig magbasa ng mga libro.”
Sa pangungusap ay ako ang simuno dahil ako ang pinag-uusapan. Ang natira naman na mga salita ay ang panaguri.