Katanungan
ano ang dalawang uri ng disekwilibriyo sa pamilihan?
Sagot
Ating napag-aralan sa ekonomiks na mayroong tinatawag na ekwilibriyo sa pamilihan. Ang ekwilibriyo ay tumutukoy sa pagkakapantay ng demand at supply ng isang produkto o serbisyo na naaayon sa presyo nito.
Nagkakaroon ng disekwilibriyo sa pamilihan kung isa man sa demand o supply ang may mas mataas na bilang.
Tinatawag na surplus ang disekwilibriyo kung saan mas marami ang supply sa pamilihan kaysa sa demand. Ito ay kung mas maraming mabibiling produkto at serbisyo kumpara sa mga mamimili nito.
Sa kabilang banda, shortage o kakulangan naman ang tawag sa disekwilibiryo kung saan walang sapat na supply sa merkado at mataas ang demand sa produkto at serbisyo.