Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang mga dugong?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang mga dugong?

Sagot verified answer sagot

Dapat hindi magtapon ng basura sa karagatan upang mabuhay sila nang matagal. Bukod pa rito, hindi rin dapat nagtatapon ng mga “toxic chemical waste” dahil isa ito sa mga nakasisira ng ating karagatan at maaaring hindi lang dugong ang maapektuhan, pati na rin ang mga halaman o iba pang hayop dito.

Ang mga dugong din na mga sanggol pa lamang ay hindi dapat ihiwalay sa kanilang ina hangga’t sa sila ay marunong na kumain mag isa dahil maaaring maging mapanganib ang kanilang buhay at hindi magtagal.

Ang polusyon sa karagatan ay laging mapanganib at nagbibitbit lamang ng kapahamakan sa buhay ng mga “species” na naninirahan dito.