Katanungan
ano ang dati mong iniisip na kaibahan ng dalawang konseptong ito?
Sagot
Ang aking pag aakala noon ay parehas lamang ang gender at sex, ngunit ngayon ay malinaw na sakin, ang sex ay hinggil sa natural na nilang mga organo tulad ng penis at vagina.
Mahalaga ito malaman para matukoy ang kanilang estado ng kalusugan. Ang gender naman ay kung ano ang napiling ekspresyon o pagkakakilanlan ng isang tao.
Mahalaga na matukoy itong dalawa upang hindi mapalitan ang kanilang kahulugan. Bukod pa rito, dapat na rin tayo maging maalaman sa ganitong paksa upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaintindihan at makasakit ng isang tao.
Ang gender ngayon ay isang sensitibong paksa dahil sa LGBTQ+ community na nais igiit ang kanilang karapatan.