Katanungan
ano ang digital literacy?
Sagot 
Ang digital literacy ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na gumamit, magtaya, at gumawa nang malinaw na impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat at paggamit ng iba’t ibang media at digital platforms.
Samaktwid, ito ay sumusukat sa kakayahan ng isang tao na gumamit ng mga bagay na may kinalaman sa makabagong teknolohiya o mga bagay na digital.
Sumasakop ito sa iba’t ibang paraan o panahon ng paggamit ng tao sa teknolohiya katulad ng paggamit sa trabaho, sa pagkatuto, panlibangan, at sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Ang pagiging digital literate din ay isang responsibilidad na dapat laging isaisip at isaalang-alang ng isang indibidwal.