Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sa globo at mapa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sa globo at mapa?

Sagot verified answer sagot

Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sa globo at mapaAng eksaktong lokasyon ng Pilipinas kung ang pagbabatayan ay ang globo o mapa ay nasa pagitan ng 4 degree 23’ at 21 degree 25’ Hilagang latitude.

Makikita rin ang Pilipinas sa pagitan ng 116 degree at 127 degree Silangang longitude. Ang eksaktong lokasyon ng isang lugar o bansa ay nasusukat sa pamamagitan ng grid system kung titignan ang globo at mapa.

Ang grid system ay isang sistema na kinukuhanan ng datos tungkol sa kinaroroonan ng mundo batay sa mga linyang nagmumula sa North Pole hanggang South Pole at kasama rin ang Equator o Ekwador. Ang mga grid na ito ay mga imahinasyong linya lamang at hindi talaga makikita sa aktuwal na histura ng mundo.