Ano ang entitlement mentality?

Katanungan Sagot

22

Katanungan

ano ang entitlement mentality?

Sagot verified answer sagot

Ang entitlement mentality ay ang pag-iisip na ang bawat inaasam ng tao ay kanyang karapatan na nararapat bigyang pansin.

Ang entitlement mentality ay maiuugnay sa kawalan o hindi pagpapasalamat sa isang bagay na natamo ng indibidwal sapagkat iniisip nito na ang kanyang natanggap ay kanyang karapatan kung kaya siya ay hindi nararapat na magpasalamat sa mga taong nagkaloob nito sa kanya.

Isang tiyak na halimbawa ng ganitong uri ng pag-iisip ay ang kawalan ng pagbibigay salamat sa mga magulang sa kabila ng mga sakripisyo ng mga ito na maigapang ang pag-aaral ng kanilang anak o mga anak sapagkat iniisip ng mga anak na ang pagtamo ng edukasyon ay tungkulin ng kanilang mga magulang na ibigay sa kanila.