Ano ang Entrepreneur (Kahulugan / Ibig Sabihin)?

Katanungan

ano ang entrepreneur (kahulugan ibig sabihin)?

Sagot verified answer sagot

Kung ikaw ay may-ari o namamahala ka ng isang negosyo at ikaw ay kumikita ng pera, ang tawag sa iyo isang entrepreneur.

Ang isang entrepreneur ay pumapasok sa tinatawag na entrepreneurship o iyong kakayahan na magbukas o magsimula ng isang negosyo.

Maraming uri ng negosyo ang maaaring pasukin ng isang entrepreneur. Una na rito ang Social Entrepreneurship. Sa uri ng entrepreneurship na ito, ikaw bilang isang entrepreneur ay tinitignan ang pangkalahatan na estado, lalong-lalo na nang lipunan at ekonomiya.

Mayroon rin na Lifestyle Entrepreneurship kung saan ang isang entrepreneur ay mas tinitignan ang personal na interes para sa kanyang negosyo.