Ano ang epekto ng bagong pamahalaan sa pamumuno ng mga katutubong datu sa sinaunang barangay?

Katanungan

ano ang epekto ng bagong pamahalaan sa pamumuno ng mga katutubong datu sa sinaunang barangay?

Sagot verified answer sagot

Noong nagkaroon ng bagong pamahalaan ay lubos na nagkaroon ng mga pagbabago sa paraan ng pamumuno ng mga katutubong datu sa mga sinaunang barangay.

Ang mga katutubong datu ay tinatawag rin na cabeza de barangay. Sila ang nangangasiwa at namumuno sa kanilang nasasakupan.

Ngunit noong nagkaroon ng bagong pamahalaan ay kumonti ang kanilang tungkulin. Kung dati-rati ay sila ang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas at alituntunin ay naging taga-kolekta na lamang sila ng mga buwis sa ilalim ng bagong pamahalaan.

Nabawasan rin ang kanilang nasasakupan pagkat naibahagi sa mga encomendero ang ilang mga lupain. Nagkaroon ng sistema ng encomienda kung saan ang mga teritoryo ay ibinigay sa mga tumulong sa kolonyalismo ng bansang Espanya.