Ano ang Epekto ng Deforestation (5 HALIMBAWA)?

Katanungan

ano ang epekto ng deforestation (5 HALIMBAWA)?

Sagot verified answer sagot

Ang epekto ng deforestation ay:

  1. pagkakalbo ng mga kagubatan
  2. pagkasira ng mga tirahan ng mga hayop
  3. pagkainit ng ating kapaligiran
  4. pagkakaroon ng iba’t ibang mga sakuna
  5. pagkaubos ng mga puno at halaman

Ang deforestation ay ang paraan ng pagkalbo ng mga kagubatan upang sa gayon ay mapalawak ang mga lupang gagamitin upang mapagtayuan ng mga imprastraktura.

Dahil dito nakakalbo ang mga kagubatan dahil mas pinipiling patagin ang mga ito upang maihanda sa ipatatayong gusali, nasisira o nauubos ang tahanan ng mga hayop na nagdudulot din ng malaking pinsala sa pagpaparami ng mga ito, umiinit ang kapaligiran dahil nababawasan ang mga kagubatang nagbibigay ng oxygen sa kapaligiran, madalas ang pagganap ng mga sakuna dahil hindi sapat ang mga puno at halamang nagsisilbing proteksyon laban sa mga ito, at lumiliit ang bilang ng mga puno.