Ano ang epekto ng land conversion?

Katanungan

ano ang epekto ng land conversion?

Sagot verified answer sagot

Ang epekto ng land conversion ay pagkawasak ng tirahan ng iba’t ibang species ng hayop.

Ang land conversion ay isang sistema ng pagpapalit ng gamit ng lupa kung saan ang mga bundok o mga lugar na maburol ay pinapatag upang pagtayuan ng iba’t ibang imprastraktura na diumano’y kapaki-pakinabang sa mga tao.

Subalit ang prosesong ito ay hindi kasiya-siya sa mga hayop na naninirahan sa mga burol o bundok dahil nawawalan sila ng tirahan.

Idagdag pa riyan na naaapektuhan din ang mga lupang sakahan gayundin ang pagtugon ng kalikasan sa mga panahon ng kalamidad. Kung kaya naman, ang ganitong uri ng gawain ay nakasasama sa mga tao, hayop, at kapaligiran.