Ano ang epekto ng mataas na unemployment rate sa isang bansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang epekto ng mataas na unemployment rate sa isang bansa?

Sagot verified answer sagot

Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa ang pinakamabigat na epekto ng malaking antas ng unemployment rate. Ang unemployment rate ng isang bansa ay tumutukoy sa mga taong hindi gumagawa o walang trabaho.

Kung mataas ang bilang ng mga taong walang hanapbuhay o trabaho ay babagsak ang ekonomiya nito sapagkat mas maraming tao ang nangangailangang suportahan upang mairaos ang pang-araw-araw na buhay kaysa sa mga taong kumakayod upang mapunan ang pangangailangan ng sarili at pamilya.

Ang kawalan ng trabaho ng isang indibidwal ay kabawasan sa tax o buwis na nakokolekta ng bansa na siyang ginagamit upang mapaganda at mapaunald ito kung kaya babagsak ang bansa kung magpapatuloy ang mataas na bilang ng kawalan ng trabaho.