Ano ang epekto ng pagkakaroon ng karahasan sa paaralan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang epekto ng pagkakaroon ng karahasan sa paaralan?

Sagot verified answer sagot

Maraming maaaring maging epekto ang pagkakaroon ng karasahan sa paaralan. Una, mas malaki ang tsansa na tumaas ang dropout rate ng mga mag-aaral.

Dahil sa nararansan nilang hindi maganda sa eskwela, anuman ang dahilan nito, nagiging rason ito upang hindi na ipagpatuloy ang kanilang pagpasok.

Isa rin sa hindi magandang epekto ng karasahan sa mga paaralan ay ang pagdagdag sa suliranin ng mga guro. Sa halip na nakatutok na lamang sila sa pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral, dumaragdag pa sa kanilang pasanin ang pag-intindi sa iba’t ibang kaso ng pagkakaroon ng karahasan sa mga eskwela na mayroon namang epekto sa pagkatuto ng mga bata.