Katanungan
ano ang epekto ng pagsunog ng plastic (5 HALIMBAWA)?
Sagot
Ang epekto ng pagsunog ng plastic ay:
- nakasasama ito sa kalusugan ng mga tao o nakapagdudulot ng sakit sa mga tao gaya ng hika
- napalalala nito ang suliranin sa climate change
- polusyon sa hangin
- nakasasama sa mga hayop
- nakasisira sa kapaligiran dahil ang waste material galing sa pagsunog ay ibabaon nila sa lupa
Ang pagsusunog ng mga plastic ay isang maling aktibidad ng tao na maraming masamang dulot sa tao, hayop, at maging sa kapaligiran.
Ang pagtaas ng bilang ng mga nagsusunog ng mga plastic ay nakapagdudulot ng paglala sa mga pangkapaligirang suliranin na kinahaharap ng bansa kung kaya ang aktibidad na ito ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod na rin sa ordinansa ng bawat komunidad.