Katanungan
ano ang epekto ng polusyon sa hangin, tubig, at lupa?
Sagot
Kapag ang kapaligiran natin ay nasobrahan na sa dumi, tinatawag natin itong polusyon. Ang polusyon ay nagdadalang sakit at pangamba sa mga tao, hayop, at iba pang nabubuhay. May tatlong uri ng polusyon: sa lupa, sa tubig, at sa hangin.
Ang polusyon sa lupa ay dulot ng mga naitatambak na basura. Nagdadala ito ng sakit para sa mga tao at hayop sa lupa at bumabaho sa kapaligiran.
Ang polusyon sa tubig naman ay siyang nagmumula sa mga basura pa rin at dagdag pa ang mga kemikal.
Epekto nito ay ang pagkamatay ng mga isda at iba pang lamang dagat. Polusyon sa hangin naman ay nakakasama sa kalusugan.