Katanungan
Ano ang epekto sa mga katutubo ang pagpapatupad ng tributo at bakit?
Sagot
Ang epekto sa mga katutubo ng pagpapatupad ng tributo ay ang kabawasan sa pagtingin nila sa kani-kanyang mga sarili, pagkaranas ng korupsyon, at lalong pagkakasadlak sa kahirapan.
Ang tributo ay isang uri ng buwis na ipinataw ng mga mananakop na Espanyol sa mga Pilipino. Isinagawa ito upang sa gayon ay makaipon o makalikom ng pondo ang mga mananakop upang tugunan ang mga pangangailangan nila sa bansa.
Sa kasamaang palad, dahil sa tributo lalong naging mahirap ang mga katutubong Pilipino dahil nagkaroon sila ng dagdag na bayarin.
Isama pa riyan ang korupsyon o ang pagkamkam ng mga dayuhan sap era ng mga ito na lalong nagpasidhi sa mababang pagtingin ng mga katutubo sa kanilang mga sarili.