Katanungan
ano ang erehe (kahulugan)?
Sagot
ang erehe ay ang tawag sa taong mayroong hindi wastong paniniwala o pananampalataya. Ang katagang erehe ay ginamit sa kilalang akda ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr.Jose Rizal na pinamagatang ang El Filibusterismo.
Inilarawan sa akdang ito ang pagpapakahulugan sa erehe na kung saan ang mga taong tinatawag na ganito ay ang mga indibidwal na nagtataglay ng kaibang pananampalataya kung ikukumpara sa madla o sa grupo ng mga tao.
Kadalasan, ang erehe ay ang kalabang kaisipan o kasalungat ng mga bagay na ibinabahagi o itinuturo ng ating simbahan.
Ilan sa mga makikitag katangian nito ay ang palatanong, walang tiwala sa turo ng bibliya at hindi basta naniniwala sa isang bagay