Ano ang eupemistikong pahayag?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang eupemistikong pahayag?

Sagot verified answer sagot

Ano ang eupemistikong pahayagAng euphemism o eupemismo o eupemistikong pahayag ay ang paggamit ng mga salitang nagpapagaan sa bigat ng realidad upang hindi ito lubos na makasakit ng damdamin, makapagpalungkot, o makapagpagalit.

Ginagamit din ito upang bawasan ang rimarim sa isang malagim na paksa, gaya ng patayan o karahasan. Nagagamit din ang paghahambing sa pagbuo ng eupemistikong pahayag o mga pananalitang nagkukubli sa tahasang kahulugan ng isang pahayag tulad ng pamumuna, karahasan, kabastusan, at iba pang may matalim na mensahe.

Ito ay mga pahayag na maituturing na matalinghaga upang mapalambot ang paraan ng pagkakasabi ng isang pahayag o maibigay ito sa tao nang mabawasan ang mararamdaman niyang lungkot, galit, o poot.