Ano ang feasibility study?

Katanungan

ano ang feasibility study?

Sagot verified answer sagot

Feasibility study ang tawag sa pagsasagawa ng pananaliksik bago magsimula ng anumang proyekto o negosyo.

Sinisiguro ng isang feasibility study ang kakayahan ng mananaliksik at ang kabuuang posibilidad na maisagawa o maisakatuparan ang isang proyekto o negosyo.

Ang isang feasibility study ay dapat naglalaman ng kabuuang pagtanaw sa buong proyekto, paglalarawan ng isang produkto o serbisyo, mga kagamitang kakailanganin upang maisagawa ang proyekto, ang target na pamilihan, kung paano ibebenta ang produkto o serbisyo, at marami pang iba.

Kapag ang mga sumusunodna ito ay nasagot nang maayos ng feasibility study ay maaari nang simulan ang proyekto o negosyo na nais.