Katanungan
ano ang gamit ng doktrinang kapuluan?
Sagot
Dahil ang ating bansang Pilipinas ay isang arkipelago o binubuo ng mga pulo, minabuti ng Pilipinas at maging ng Indonesia na isang arkipelago rin na magkaroon ng tinatawag na doktrinang kapuluan. Ito ay naganap noong taong 1974-1976.
Nakasaad sa doktrinong kapuluan ang batas na magkaroon ng imaginary line. Ang imaginary line na ito ang tutukoy sa sakop o teritoryong hangganan ng isang bansa pagdating sa dagat at karagatan.
Napakahalaga nito sapagkat tumutulong ito upang maging maayos ang pangingisda—na siyang isa sa mga pangunahing trabaho ng mga mamamayang Pilipino. Ang doktrinang pangkapuluan na ito ay bahagi ng ating Batas Pambansa.