Katanungan
ano ang gamit ng galyon?
Sagot
Ang mga malalaking barko na tinaguriang galyon ay mahalaga lalo na sa pakikipagkalakalan.
Pero ang pangunahing gamit ng galyon noong unang panahon ay para makapaglipat ng gamit o mga produkto na mula pa sa Europa patungo sa iba’t-ibang bahagi ng mga daigdig, tulad ng Asya.
Ang mga galyon ay sikat na transportasyon noong ika-16 na siglo hanggang ika-18 na siglo. Ang paggamit ng galyon sa kalakalan ay tinatawag na “galleon trade.”
Sa ating bansa, naging mahalaga ang galyon dahil ito ang ginamit ng mga mananakop na Kastila na makipagpalitan ng produkto mula sa Mexico—na isa ring bansang sinakop ng Espanya.