Ano ang gender identity (kahulugan)?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang gender identity (kahulugan)?

Sagot verified answer sagot

Ang mga salitang sex at gender sa wikang Ingles, kung isasalin sa wikang Filipino, ay iisa lamang ang magiging salita—kasarian.

Bagamat iisa lang ang salita sa ating sariling wika ay magkaiba pa rin ang kahulugan. Sa ilalim ng gender ay pumapasok ang terminong gender identity.

Ang gender identity o katauhang pangkasarian ay isang konsepto kung saan ang isang indibidwal ay may sariling pagkakakilanlan sa kanyang sarili.

Kung sa biyolohikal na aspeto ay may dalawang kasarian na babae at lalaki lamang, sa gender identity ay may iba pang mga kategorya.

Sa ilalim rin ng gender identity ay maaaring i-uri ng isang biyolohikal na lalaki ang kanyang kasarian bilang babae, o vice-versa.