Ano ang ginagampanan ng pamahalaan sa gawaing pangkabuhayan ng bawat isa?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ano ang ginagampanan ng pamahalaan sa gawaing pangkabuhayan ng bawat isa?

Sagot verified answer sagot

Pagdating sa kabuhayan at hanapbuhay ng bawat mamamayan, mayroon pa ring ginagampanan na tungkulin ang gobyerno o pamahalaan.

Ang pamahalaan rin ay kadalasan may responsibilidad pagdating sa produksyon, distribusyon, at konsumpsyon ng mga produkto at serbisyo.

Hindi maaaring mapunta sa pamilihan o sa merkado ang mga produkto at sebrisyo nang hindi naaaprubahan ng ahensya ng gobyerno.

Minsan rin ay ang pamahalaan ang nagtatakda ng mga presyo ng bilihin sa isang pamilihan. Pagdating naman sa mga manggagawa ay mayroong ahensya ang pamahalaan na sumisiguro sa kanilang kapakanan at kaligtasan. Kung magkaroon man ng problema sa kanilang kumpanya ay maaari nila itong i-ulat sa pamahalaan.