Katanungan
ano ang ginamit na paraan ng mga amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino?
Sagot
Ang Benevolent Assimilation o Makataong Asimilasyon ang paraang ginamit ng mga Amerikano upang mahuli ang tiwala ng mga Pilipino.
Ang Makataong Asimilasyon ay naipatupad noong ika-21 ng Disyembre taong 1898 sa pangunguna ni William Mckinley. Ito ay isang uri ng patakaran na naglalayong makuha ang tiwala ng at mapasunod ang mga Pilipino sa klase ng pamamalakad ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Iang patakarang ito ay pinagtibay ng Kongreso mula sa Estados Unidos na siyang dahilan ng pag-iral ng Militar na pamahalaan sa bansa. Sa panahong ito rin naitatag ang Partido Federal upang wakasan ang mga rebolusyon sa pagitan ng Amerikano at Pilipino.