Katanungan
ano ang grafitti wall?
Sagot
Ang graffiti wall ay isang porma ng sining na kung saan hindi awtorisado ng lipunan. Ngunit, kalakhan ay nagpipinta pa rin sa mga pader ng kanilang sining upang ipamalas ang kanilang talento.
Bukod pa rito, tinuturing din na isang porma ng protesta ang mga pagpipinta sa mga lansangan at pader nito dahil sinabi na “ang pader ay ang pahayagan ng mga mahihirap” na kung saan dito inilalagay ang panawagan ng mamamayan.
Kontrobersyal kung ituring ang mga graffiti, ngunit mabigat din ang binibitbit na mensahe lalo na kung buhay ang panawagan at talagang nararanasan ng mamamayan sa kanilang lipunan at araw araw na buhay.