Katanungan
ano ang grapikong pantulong?
Sagot
Ang grapikong pantulong ay isang materyales na ginagamit upang maipakita nang mas maayos ang isang datos o istatistika ng isang paksa.
Upang hindi malula ang mga tao sa laki ng numero sa datos, ginagamit nila ito upang mas maunawaan at mabilis maintindihan ng mga tao.
Bukod pa rito, maaari rin magpukaw ito ng atensyon mula sa mga tagapakinig dahil sa mga porma ng grapikong ito.
maaaring pictograph, bar graph, o line graph, para mas mauunawaan ng mga tao. Mas makikita rin ang pagkukumpara sa iilang bagay pag gumamit ng grapikong pantulong kaya kadalasan ito ginagamit sa mga mag aaral o kabataan.