Ano ang halaga sa pagkakaroon ng wikang pambansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Magandang gabi sainyo! Ano ang halaga sa pagkakaroon ng wikang pambansa?

Sagot verified answer sagot

Ano ang halaga sa pagkakaroon ng wikang pambansaAng wikang pambansa ay mahalaga sa isang bansa dahil sa ilang dahilan. Una na rito, nagkakaroon ng wikang mabisang nauunawaan ng lahat.

Sa bansang tulad ng Pilipinas na maraming wika, mahalaga na may isang inang wika na kayang gamitin at unawain ng lahat. Kung magkakaunawaan ang bawat isa, mas madali ang komunikasyon at mas madali rin ang daan patungo sa pag-unlad.

Isa pang dahilan ay nagkakaroon ang bawat isa ng matibay na pundasyon sa pagkakaisa. Ang pagkakaisa sa wika ay nagbubunga rin ng pagkakaisa sa mithiin na maganda para sa isang bansa. Mas madali ang pagbibigay ng mga ideya at pati kaalaman sa paaralan.