Katanungan
ano ang hanapbuhay sa pilipinas kung may klimang tropical?
Sagot
Klimang tropikal ang nararanasang klima sa ating bansang Pilipinas bagkus ay tayo ay matatagpuan malapit sa ekwador at sa mga tropiko.
Ibig sabihin, nararanasan natin ang tag-init tuwing tag-araw at tag-lamig tuwing tag-ulan. Sa ating klima, ang angkop na hanapbuhay ay pangingisda at pagtatanim o agrikultura.
Bilang marami rin namang lupain na nasasakupan ang ating bansa at sagana tayo sa likas na yaman, napakagandang maging hanapbuhay ng pagtatanim dahil marami tayong pwedeng maani.
Ang pangingisda naman ay okay lang rin bilang napapalibutan tayo ng mga anyong tubig tulad ng Karagatang Pasipiko at ilan pang mga dagat kaya siguradong maraming mahuhuling mga isda.