Ano ang hindi magandang katangian ni Venus?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Medyo may attitude ba siya? Snobbish? Ano ba? Pa-help naman po!

Sagot verified answer sagot

Ano ang hindi magandang katangian ni VenusSi Venus, kahit siya na ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan, ay mayroon pa ring hindi magandang katangian. Punong-puno ng inggit ang diyosa lalo na kay Psyche.

Kahit siya na ang itinanghal na diyosa ng kagandahan, hindi niya maiwasan ang mainggit kay Psyche dahil sa paningin niya ay mas maganda ito.

Lalo pang nanibugho si Venus nang ang mga tao ay mas humanga sa kagandahan ni Psyche at nakalimutan na siyang sambahin ng mga mortal.

Mas nakatatanggap ng regalo, papuri, at paghanga si Psyche kaysa kay Venus na naging ugat upang magkaroon ng mabigat na damdamin at biglaang galit si Venus kay Psyche.