Ano ang ibig sabihan ng tributo?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ano ang ibig sabihan ng tributo?

Sagot verified answer sagot

Ang tributo ay ang buwis na kinokolekta noon ng mga Espanyol. Nang sakupin ng mga Espanyol ang Pilipinas, pinatawan nila ng mataas na tributo ang mga Pilipino upang gamitin ito sa mga sumusunod: pantustos sa gastusin ng Espanya, para sa hukbong sandatahan, gastusin sa ekspedisyon, pensyon ng mga sundalo, at pangdiplmatikong kasunduan.

Kung mapapansin ay puro lamang sa ganansya at kapakanan ng Espanyol ang kinokolekta na buwis mula sa mga Pilipino, at hindi napupunta sa kanila upang gamitin ng gobyerno na mapapakinabangan ng mamamayan.

Ito ay isang manipestasyon na sinasamantala lamang ng mga Espanyol ang mga Pilipino at sapilitang kinokolekta ang mga pera na pinaghirapan ng mga tao.