Ano ang ibig sabihin ng apelyidong Rizal?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Ano ang ibig sabihin ng apelyidong Rizal?

Sagot verified answer sagot

Ano ibig sabihin ng apelyidong Rizal ay luntiang bukirin. Ang apelyidong Rizal ay pinaniniwalaang hango sa salitang kastila na Recial na sa tagalog ay nangangahulugan na luntiang bukirin.

Mula sa kasaysayan, nang sakupin ng mga mananakop na Espanyol ang bansang Pilipinas, ang mga Pilipino ay binigyan ng oportunidad na makapili ng isang gagamiting apelyido ng kanyang pamilya mula sa mga nakahaing kastilang salita.

Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang mga apelyido o family name ng bawat Pilipino sa kasalukuyang panahon.

Mahalaga ang paggamit ng apelyido sa bawat indibidwal sapagkat nagpapakita ito ng pangalan ng pamilyang kanyang kinabibilangan.