Katanungan
Ano ang ibig sabihin ng balitang kutsero?
Sagot 
Ang balitang kutsero ay isang sawikain o idyoma sa wikang Filipino na ang ibig sabihin ay hindi totoong balita o gawa-gawang balita.
Sinasabing balitang kutsero ang mga balitang hindi berepikado at walang katotohanan sapagkat noong unang panahon, noong hindi pa uso ang mga de-makinang sasakyan ay sa mga kalesa o karuwahe ang pangunahing transportasyon noon.
At ang mga bali-balita, tsismis, at iba pang usapang maaaring hindi totoo ay kumakalat sa mga kutsero o nagmamaneho ng mga kalesa.
Dahil sa dami ng nakasasalamuha nila, mas maraming balita silang nasasagap. At kung minsan ito ang nagiging sanhi ng pagkalat ng ilang balitang wala namang katotohanan.