Katanungan
ano ang ibig sabihin ng demokrasya?
Sagot
Ang demokrasya ay ang uri ng pamamahala na kung saan ang mga mamamayan ay binibigyan ng kapangyarihan na makapamili ng taong mamumuno sa kanila.
Ang demokrasya ay madalas ipatupad sa politika na kung saan ang mga bawat mamamayan ay may layang pumili ng iluluklok sa posisyong susunod na mamumuno sa kanila.
Ang isang bansa ay matatawag na demokrasya kung ang pagboto ay nasa kamay ng mga mamamayan, may laya ang bawat isa na maipahayag ang kani-kanyang saloobin, at ang bawat isa ay mayroong tinatamasang pantay na karapatan maging ng pribilehiyo. Kabilang sa mga bansang nakasailalim sa demokrasya ang bansang Pilipinas.