Katanungan
ano ang ibig sabihin ng equilibrium price?
Sagot
Ang ibig sabihin ng equilibrium price o ekwilibriyong presyo ay ang napagkasunduang presyo ng produkto o serbisyo ng prodyuser at ng konsyumer.
Ito rin ang tumutukoy sa presyong lebel na pinatutupad sa isang pamilihan upang sa gayon ay maging tagumpay ang pagkakaroon ng transaksyon sa bawat actor na nakapaloob sa pamilihan- ang mamimili at nagbibili.
Ang napagkasunduang presyo ay kadalasan nagiging tagumpay sa tulong ng ekwilibriyong dami na kung saan nakabatay sa dami ng produkto ang maaaring presyong mapagkakasunduan ng nagbebenta at bumibili.
Ayon sa konsepto ng supply at demand, ang presyo ng isang produkto ay magkakaroon ng paggalaw batay na rin sa bilang ng dami ng mga ito.