Ano ang ibig sabihin ng espiritwalidad?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng espiritwalidad?

Sagot verified answer sagot

Ang espiritwalidad ay ang imateryal na sukdulang kaganapan sa tao. Ito ay isang daang panloob na nagiging tulay upang malaman ng isang indibidwal ang diwa o ang katuturan ng kanilang sariling pagkatao.

Karaniwan, ito ay isinasama sa paniniwala ng iba’t ibang relihiyon subalit ang sakop nito ay mas malawak pa sa limitasyong nakapaloob sa mga turo ng iba’t ibang paniniwala sapagkat ang espiritwalidad ang siyang nagtuturo sa mga tao upang matuklasan ang kanilang kaganapan o kahulugan sa mundo.

Ito lamang ay nagagabayan ng mga simbahan sa pamamagitan ng pagtuturo ng wastong pagdarasal, kontemplasyon, at maging ang meditasyon sapagkat dito nabubuo ng mga tao ang kanilang inspirasyon o motibasyon upang tahakin ang pagkilala sa kanilang sariling kabuluhan.