Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiya?

Sagot verified answer sagot

Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiyaAng heograpiyang pantao ay isang sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag-aaral kung paano namumuhay ang tao sa kaniyang pisikal at kultural na kapaligiran.

Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, ekonomiya, pamahalaan, at iba pang aspekto tulad ng distribusyon ng populasyon at kalunsuran.

Iba ito sa pisikal na heograpiya dahil sa sakop ng pinag-aaralan dito. Ang pisikal na heograpiya ay isang pag-aaral ng likas na agham na nakaton sa pag-aaral ng mga proseso at gawi sa ating likas na kapaligiran.

Saklaw din nito ang pag-aaral ng mga hanging hinihinga natin at hanging makikita sa mundo. Nakatuon din ang heograpiyang pisikal sa pag-aaral ng mga kapaligiran.