Katanungan
ano ang ibig sabihin ng hyperbole?
Sagot
Isang tayutay o figure of speech ang hyperbole. Ito ay ang tawag sa mga pangungusap na may bahid ng pagmamalabis o eksaherasyon.
Dahil ito lamang ay isang tayutay o pigura ng pananalita, hindi dapat nito layuning maging literal sa pangangahulugan.
Ginagamit lamang ang hyperbole kadalasan sa mga uri ng panitikan tulad ng oratoryo o pagtutula. Ang gamit ng hyperbole sa panitikan ay nakakatulong upang maging mas makabuluhan at mas malakas ang damdamin na nais ipabatid ng manunulat o may akda.
Isang magandang halimbawa ng hyperbole ay ang pangungusap na ito: Siya ay may angking kagandahan tulad ng isang diyosa. Hindi maaaring maikumpara sa literal na diyosa ang isang tao.