Ano ang ibig sabihin ng kabihasnan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng kabihasnan?

Sagot verified answer sagot

Ang kabihasnan ay tumutukoy sa yugto ng pagiging maunlad ng isang lipunan na kung saan nakikita o nakikilala ito sa pamamagitan ng pag-alam sa kanilang arkitektura, edukasyon, wika, sining, at iba pa.

Sa kasaysayan, ang kabihasnan ay ginamit sa pagpapakilala ng iba’t ibang pamayanang umusbong sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito rin ay madalas na ikinakabit o ikinukumpara sa kultura o pagkakalinang ng mga kaalaman, paniniwala, at gawi ng mga tao sa isang pamayanan.

Sa malawak na pagkakaunawa, ang kabihasnan ay maaaring gamitin sa panlipunang konsepto na kung saan nalilinang angb kagalingan o kapinuhan ng pag-iisip ng isang indibidwal.