Katanungan
ano ang ibig sabihin ng kakayahang komunikatibo?
Sagot
Ang kakayahang komunikatibo ay nangangahulugan na kakayahan ng isang indibidwal na magamit ng tawa at wasto ang isang wika.
Ang kakayahang ito rin ay sumasakop sa pagkakatuon ng tamang pag-unawa sa alituntunin sa tamang paggamit ng wika maging ang dapat na asal ng tao sa paggamit nito.
Ang wikang ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na buhay ay hindi lamang nauunawaan ng payak subalit batid ang bawat kontekstong nakapaloob dito.
Kung kaya ang kakayahang ito ang tumutulong sa tao na maunawaan ang hustong gamit ng wika partikular na sa balangkas at gramatika nito upang sa gayon ay maging tiyak ang pagkakaunawaan.