Ano ang ibig sabihin ng kolonya?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng kolonya?

Sagot verified answer sagot

Ang kolonya ay ang lupang nasasakupan. Ang kolonya ay ang tawag sa mga lupang nasakop mula sa kolonyalismo. Ito rin ang siyang katawagan sa mga taong pumupunta sa isang lugar na nasakop ng kanilang bansa.

Ang pagiging kolonya ng isang lugar o pook ay ang nagbibigay daan upang mapalakas ng mananakop na bansa ang kakayahan nito gayundin ang maparami o mapayaman ang mga kayamanang taglay ng kanilang bansa sa pamamagitan ng pananakop.

Kung kaya naman, maraming pagbabago ang kinahaharap ng mga taong naninirahan sa mga bansang nasakop sapagkat sumasailalim sila sa mga patakaran o sistemang ipinatutupad ng mga mananakop na dayuhan.