Katanungan
ano ang ibig sabihin ng liberalisasyon?
Sagot
Isa malawak na termino ang liberalisasyon. Ito ay isang precondition patungo sa globalisasyon at pribatisasyon.
Tumutukoy ang liberalisasyon sa kalayaan ng isang grupo, tao, o iba pang nasasakupan ng mga batas at regulasyon ng isang pamahalaan.
Ibig sabihin ay limitado na ang batas at mga alituntunin na maaaring ipatupad sa kanila. Tinataguyod ng kaisipang liberalisasyon ang ideya na ang lahat ay malaya, may pagkakapantay-pantay, at nagkakaisa.
Sa ekonomiya naman, ang liberalisasyon ay tumutukoy sa unti-unting pagbukas ng pamahalaan sa mga pribadong negosyo at sektor, kung saan limitado nalang rin ang kontrol na meron ang isang gobyerno. Ngunit tatandaan na ang liberalisasyon ay hindi pagiging tunay na malaya.