Ano ang ibig sabihin ng nagmumurang kamatis?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Ano ang ibig sabihin ng nagmumurang kamatis?

Sagot verified answer sagot

Ang ibig sabihin ng nagmumurang kamatis ay isang matandang lalaki o babae na nagbibihis o nag-aayos bilang isang binate o dalaga.

Ang mga katagang ito ay isang halimbawa ng sawikain o mga salitang hindi tuwirang nagpapahayag ng kahulugan na kung saan ang mga salitang ginagamit ay mayroong ibang kahulugan sa literal na pagkakaunwa rito.

Isa na riyan ang nabanggit na pahayag na kung saan ang pagmumurang kamatis ay ang paraang ginagawa ng isang babae at lalaking matanda upang magmukhang mga bata pa. Ang paraang ginagamit nila ay ang pagsunod sa uso o sa mga bagay na kinahihiligan ng mga kabataan.