Katanungan
Ano ang ibig sabihin ng nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa?
Sagot 
Ang ibig sabihin ng kasabihang “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” ay ang tao ay dapat kumilos nang maayos, mabuti, at may konsiderasyon sa kapuwa kung nais makamit ang mga mithiin sa buhay.
Kung ang bawat pagkilos ay gagawin nang may disiplina at may mataas na moralidad, ang taong ito ay sinasabing ginagabayan ng Panginoon o Diyos upang magtagumpay.
Kung nakikita ng nasa Itaas na ang taong ito ay nagsisikap at walang tinatapakang kahit sino man para makamit ang kaniyang mga pangarap, itataas siya ng Diyos at gagabayan hanggang sa makamit at maging matagumpay sa mga mithiin niya sa buhay.