Katanungan
ano ang ibig sabihin ng oligopolyo?
Sagot
Ang oligopolyo ay isang klase ng pamilihang estruktura na mayroong bilang na maliit ng mga pamilihang nagbebenta ng mga produktong magkakatulad o may kaugnayan.
Ang ganitong uri ng pamilihan mayroon lamang maliit na bilang ng mga produktong ipinagbibili kung kaya naman maaaring maalis ang kompetisyon mula sa mga kapwa prodyuser sa pamamagitan ng sabwatang tinatawag.
Ito ay magaganap kung ang bawat prodyuser ay magkakasundo na magkaroon ng tiyak na presyo na maaaring mas mataas kaysa sa regular na presyo nito sa merkado sapagkat sila lamang ang pwedeng mapagkunan nito. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng pamilihan ang Petron, Shell, Caltex at iba pa.