Ano ang ibig sabihin ng ordinal at cardinal direksyon?

Katanungan

Ano ang ibig sabihin ng ordinal at cardinal direksyon?

Sagot verified answer sagot

Ang direksyon ay ang nagsasaad ng lokasyong kinaroroonan ng isang lugar o bagay. Ito ay nahahati sa dalawa ang ordinal at cardinal na direksyon.

Ang ordinal na uri ng direksyon ay tumutukoy sa mas tiyak na kinaroroonan ng isang lugar alinsunod sa mga direksyong pangalawa gaya ng hilagang-kanluran, hilagang-silangan, timog-kanluran, at timog silangan.

Samantala, ang cardinal na uri ng direksyon ay pumapatungkol sa mga diretso o tuwid na kinaroroonan o lokasyon ng isang lugar gamit ang mga direksyong pangunahin gaya ng hilaga, timog, silangan, at kanluran na karaniwang naisusulat sa mapa na gamit lamang ang pangunahing titik ng kani-kanyang ngalan.